
Mahalagang maging maalam at handa sa banta ng Mpox upang mapanatili ang kaligtasan ng sarili at ng buong pamilya. Ang Mpox, na dating kilala bilang monkeypox, ay isang sakit na dulot ng monkeypox virus. Karaniwan itong nagdudulot ng banayad na karamdaman na may kasamang pamamantal at maaaring maipasa sa pamamagitan ng matagal na pisikal o intimate (balat sa balat) na contact sa taong infected.




Sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng tamang kaalaman ay isang mahalagang sandata laban sa anumang sakit. Alamin kung paano naipapasa ang Mpox, ano ang mga sintomas nito, at ang mga hakbang na maaaring gawin upang makaiwas dito. Sa pamamagitan ng pag-iingat, pagiging responsable, at pagbabahagi ng tama at maaasahang impormasyon, mas mapapalakas natin ang proteksyon hindi lamang para sa ating sarili kundi pati na rin para sa ating mga mahal sa buhay. (DOH)