PULILAN, BULACAN — Mas madali, mabilis at mas malapit na sa publiko ang pagkuha ng Postal ID sa Pulilan, Bulacan.
Ilalagay ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang Mobile Postal ID Capturing Service sa Robinsons Townville Pulilan sa Agosto 28, 2026 (Biyernes), mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM.
Inaanyayahan ang mga residente ng Pulilan at mga kalapit na lugar na samantalahin ang serbisyong ito at dalhin ang mga sumusunod:
- Katibayan ng Tirahan (Proof of Address) – Magdala ng orihinal at photocopy ng alinman sa mga sumusunod: Barangay Certificate/Barangay Clearance o kaya ay Proof of Billing (kuryente, tubig, internet, atbp.) na nakapangalan sa aplikante.
- Katibayan ng Pagkakakilanlan (Proof of Identity) – Magdala ng orihinal at photocopy ng Birth Certificate (PSA o Local Civil Registrar-issued).
- Nakumpletong Application Form
Para mas mapabilis ang proseso, maaaring i-download at i-print nang maaga ang application form mula sa opisyal na website ng PHLPost sa www.phlpost.gov.ph. Meron ding available na form sa Service Booth ng ahensya.
Ang bayad para sa Postal ID ay ₱550 para sa Regular ID at ₱650 para sa Rush ID. Sa pamamagitan ng Mobile Postal ID Capturing Service, patuloy na inilalapit ng PHLPost ang mga serbisyong postal sa mga komunidad upang maging mas madali, mabilis at convenient ang pagkuha ng Postal ID.
